Linggo, Abril 7, 2013

100...isang 0 na lang 1000 na!


Bawat isa mahalaga. 

Taong 2006 ng masaksihan ang pelikulang 300. Tungkol ito sa determinasyon, tatag ng loob at tapang ng 300 Spartans na pinamunuan ni Haring Leonidas laban sa libo-libong kawal Persyano sa Labanan sa Thermopylae. 

Ganito rin ang tila tunggalian ng mga pelikulang Filipino na independent laban sa mainstream Hollywood films. Ano nga ba ang laban ng simpleng Filipino production na stage play sa klasikong Phantom of the Opera? Nakapagtataka na bat mas atubili tayong bumili ng Php250.00 na ticket para sa gawang Filipino kesa sa Php 2,500.00 na banyagang palabas. Bakit sa Gangnam ni Psy ay nagsusumiksik tayo samantalang aalog-alog ang ibang mga sinehan na may palabas na indie?       

Madugo man at tila impossible gaya ng Labanan sa Thermopylae, naniniwala kaming may pag-asa ang Filipino sa Labanan sa Teatro't Sinehan. Anong uri ng palabas ang gusto mong makita? Ano ang pwede nating gawin? Tara... sumama ka sa Bayanihan na ito. 

Limang (5) tulog na lang mga Ka-Bayani. May 100 upuan para sa launching ng Bayanihan para sa Kalinangan. Libre ito para sa mga naglalayong sumuporta sa pamamagitan ng pagpapalabas ng indie film o stage play sa kani-kanilang mga tanggapan, opisina, organisasyon o eskwelahan. Libre ito para sa mga may proyektong ka-linya ng aming adhikain. Para ito sa Pilipino at sa kinabukasan ng sining at kultura ng Pilipinas sa larangan ng teatro at pelikula. 

Ka-bayani, pupunta ka ba? 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento