Huwebes, Marso 7, 2013

SneakPick FB Page @ 30Likes


Lao Tzu said, "a journey of a thousand miles begins with a single step." Hindi makabubuo ng isang milyon kung walang piso. Sa ngayon, gaya ng pisong pinaka-iingatan ng walang wala, isang milestone sa amin ang magkaron ng 30 likes dahil ito ang nagbigay daan upang magkaron ng Official Facebook Page ang SneakPick ngayon. Mula rito maisusulong na sa social media ang adbokasiya ng Bayanihan para sa Kalinangan

Mixed feeling  tuwing magsisimula. Magkahalong excitement at kaba. Marami man ang agam-agam at hindi masawatang demonyo sa sarili, mas napapaimbulog ang dakilang hangaring makitang tagumpay, namamayagpag at may katuturan ang sinimulan. Pagkat batid naming ang mismong kasagutan ay wala sa daan o sa patutunguhan kundi nasa mismong talampakan...yayapak at hahakbang tayo ngayon ng buo ang loob. 

Naway maging kasama namin kayo sa paglalakbay o journey na ito. Be part of our journey towards our desired Next Picture...a world where everyone, regardless of background or income bracket get to enjoy, access and experience quality Filipino independent films and stage plays. 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento